Ano Ang Dalawang Bansa Na Kanluranin Na Nagkaloob Ng Karapatang Sibil,Kaunlarang Panlipunan/\\
ANO ANG DALAWANG BANSA NA KANLURANIN NA NAGKALOOB NG KARAPATANG SIBIL,KAUNLARANG PANLIPUNAN/\
Ang Karapatang Sibil ay gumagarantiya sa pagkakapantay-pantay sa lipunan, katayuan ng bawat isa, mga proteksyon sa batas anuman ang lahi, sekso, relihiyon at personal na mga katangian.
Matagal ng paglulunsad ito upang alisin ang hidwaan ng puti at itim. Sa tagal ng panahon ng pang-aalipin ng puti sa itim napakadaming digmaang sibil ang pumatay kapuwa sa puti at itim. Paunti-unti, lumawak ang pagtatakda ng karapatang sibil sa mga hawak ng Amerika. Ang halimbawang makikita mo ay ang karapatan sa pagboto, katarungan, edukasyon, serbisyo ng gobyerno at paggamit ng mga pampublikong kagamitan.
Nasundan ito ng pagbabago sa Hilgang Ireland dahil na din sa naunang pagkilos ng Amerika. Pangunaing naalis dito ang diskriminasyong naganap sa estado sa lipunan anupat naibigay sa mga migrant o mababang tao ang karapatang bumoto at hindi lamang sa mga Protestanteng grupo.
Ang batas apartite na nanaig sa itim at puti mula pa noong 1940 hanggang 1980, ay unti-unting naaalis. Ito ay ginagampanan ng United Nations upang palawakin ang pagsunod sa mga karapatang sibil na idineklara bilang ang Universal Declaration of Human Rights.
Ang ilan sa kanilang nagagawang pagbabago ay ang pag-alis ng pang-aalipin, di pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan, ang tamang pakikitungo sa LGBT community. Makikita din sa kanilang mga layunin at gawain ang pantay na paglalaan sa medikasyon, pag-aaral at ibang panlipunang serbisyo.
Comments
Post a Comment