Anong Kahulugan Ng Kasipagan
Anong kahulugan ng kasipagan
Ang Kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap ng isang tao sa kanyang gawain. Tunay ang kanyang pagpapagal at maaring minamadali o binibilisan nya ang kanyang paggawa. Nagpapakita din ito ng pagiging aktibo at mabunga sa isang larangan sa kinabibilangan niya.
Ang Bibliya ay nagpayo sa atin na huwag maging makupad o magpakita pa nga ng panghihimangod. Sa halip dapat na puspusan tayong makipagpunyagi sa ating gawain. Maging masipag!
Ang langgam ay halimbawa ng kasipagan. Kung atin silang pagmamasdan makikita natin na hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang mga nilalang na iyon. Kinakaya nila ang mga pagkain na bubuhatin nila kahit na iyon ay mas malaki pa sa kanilang katawan. Nakakatuwa ngang pagmasdan ang kanilang kasipagan. Hindi sila napapagod sa pagtatrabaho.
Ang Kawikaan ay nagsasabi "Hindi hinahabol ng tamad ang huhulihin niyang hayop, Pero ang kasipagan ay mahalagang yaman ng isang tao."
Ang Hebreo 6:11 ay nagpapayo din sa atin na "...magpakita ng gayon ding kasipagan para maging tiyak ang pag-asa..".
Comments
Post a Comment