Anong Mahalagang Kaisipan Ang Makukuha Sa El Filibusterismo Sa Kabanata 26

Anong mahalagang kaisipan ang makukuha sa el filibusterismo sa kabanata 26

El Filibusterismo

Kabanata 26: Mga Paskil

Mahalagang Kaisipan:

          Ang kalagayan at damdamin ng mga kabataang sumasali o nakikiisa sa mga kilos protesta at mga katulad na gawain ay paraan lamang ng iba upang hindi pumasok sa paaralan at makiisa sa gawain sa loob ng silid - aralan. Sa kabila nito may mga kabataan din pala na sadyang mapanghimagsik ang kalooban. Sila ang mga kabataang may malalim na pang - unawa sa batas at sa kalakaran ng lipunan. sila iyong mga kabataang hindi masisikil ang mga damdamin sapagkat alam nila ang lawak ng kanilang mga karapatan.

        Ang pagkakaroon ng sapat na tapang upang ipaglaban kung ano ang sa palagay nila ay tama basta hindi ito nakakasakit sa iba ay tunay na kahanga hanga. Maging ang pagkakaroon ng malinaw na konsepto ng mga layunin sa buhay sa kabila ng kanilang kabataan at kakulangan sa karanasan sa pamamahala ay nakakabilib. Ganun pa man, dapat din na maging maingat sa lahat ng mga gagawing hakbang sapagkat hindi pa sapat ang kanilang kakayahan at ang kanilang kapangyarihan upang gawin ang mga bagay na nais nila. Kailangan din nilang makinig sa payo ng kanilang mga magulang lalo pa kung ang mga bagay na ito ay makakaapekto sa kanilang pag aaral at kinabukasan.

Read more on

brainly.ph/question/2117915

brainly.ph/question/92514

brainly.ph/question/2105985


Comments

Popular posts from this blog

Kanluranin Bansa Na Nakasakop Ng Japan

What Is Bureaucratic Capitalism?

Bigyang Paliwanag: Ang Pagbibigay Ng Iyong Lahat Ng Panahon At Pagod Sa Paggawa Ay Hindi Dapat Nagwawaglit Sa Pag Aalay Nito Para Sa Kapurihan Ng Diyo