Bigyang Paliwanag: Ang Pagbibigay Ng Iyong Lahat Ng Panahon At Pagod Sa Paggawa Ay Hindi Dapat Nagwawaglit Sa Pag Aalay Nito Para Sa Kapurihan Ng Diyo

Bigyang paliwanag: Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag aalay nito para sa kapurihan ng Diyos."

Nakakatulad ito ng isang talata sa Bibliya. Sinasabi sa 1 Corinto 10:31:

"Kaya kumakain man kayo o umiinom o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos."

Bagaman ang paglilibang, gawaing-bahay, paghahanap-buhay, at iba pang personal na mga gawain na animoy hindi naman direktang may kinalaman sa iyong pagsamba sa Diyos, hindi dapat mag-alis ito ng kapurihan para sa Diyos. Bagkus, ginagawa mo ang mga ito dahil sa pagsunod sa kaniyang mga pamantayan.

Halimbawa, baka may gustung-gusto ka na libangan at nalamang mong iyon ay ipinagbabawal ng Bibliya gaya ng mararahas, malalaswang mga panooring o sports, tiyak na nais mong magsikap na alisin ang iyong sarili sa mga bagay na iyon. Kapag napagtagumpayan mo iyon, ang kapurihan ay hindi dahil sa sarili mong lakas kundi dahil binigyan ka ng higit sa karaniwang lakas mula sa Diyos upang magawa mo iyan. Baka maalala mong nananalangin ka pa nga para sa tulong niya.

Baka ang isa ay mayroong kumikitang negosyo at talagang napamahalaan mo ng mahusay ito hanggang sa lumaki pa. Sasabihin mo bang dahil iyon sa taglay mong mga estratehiya? Hind bat noong nagsisimula ka pa lamang ay humihingi ka ng suporta mula sa ibang tao at higit na karunungan sa pagpapasya sa pamamagitan naman ng panalangin. Gayunpaman, naunawaan mong sinabi ng Bibliya na hindi ka maaaring maglingkod sa dalawang panginoon- sa Kayamanan at sa Diyos. Kaya naman sinisikap mong maging tapat sa negosyo at hindi kumukuha ng malaking investment na uubos sa oras mo anupat wala ka ng panahon sa espirituwal na mga bagay. Kaya ngayon umaasenso, lagi kang nagbibigay-puri sa Diyos dahil sa kaniyang napakalaking tulong.

Ang dalawang mahalagang karanasang iyan ay totoong-totoo sa mga taong laging ibinibigay sa Diyos ang parangal sa lahat ng bagay na kaniyang ginagawa. Ang iba nga ay nauunawaan nilang maging ang panahon ng pagsubok ay isang bagay na maibibigay nilang kapurihan para sa Kaniya. Paano? Dahil hinaharap nila ito taglay ang pagsunod sa mga tagubilin ng Bibliya at hindi ng kanilang sariling kagustuhan o pananaw.


Comments

Popular posts from this blog

Kanluranin Bansa Na Nakasakop Ng Japan

Which Of The Following Terms Does Not Describe The Number?, A.Prime, B.Integer, C.Real Number, D.Whole Number

What Is Bureaucratic Capitalism?